Nanindigan si Israel Prime Minister Benjamin Netanyahu na hindi pamumunuan ng Palestinian Authority ang Gaza hanggang ito ay nakaupo sa puwesto.
Sinabi nito na hanggat ito ay nakaupo sa puwesto at tuluyan nilang talunin ang Hamas ay walang puwedeng magkontrol sa Gaza.
Reaksyon ito ng Israel Prime Minister sa pahayag ni Palestinian Authority President Mahmoud Abbas na handa itong pamunuan ang Gaza at ang West Bank.
Iginiit ni Netanyahu na walang kakayanan ang Palestine na pamunuan ang nasabing Gaza dahil sa napabayaan na mamayagpag ang mga Hamas militants.
Una na rin sinabi ni US President Joe Biden na nararapat na mamuno ang Palestine sa Gaza ng sumiklab ang labanan sa pagitan ng Israel at Hamas.
Ibinunyag naman ni Netanyahu na malapit na nilang maaresto ang lider ng Hamas na si Yahya Sinwar .
Sinabi nito na nakalapit ng bahagya ang Israel Defense Forces sa lugar kung saan nagtatago ang nasabing lider.
Pinayuhan na rin ng Israel Defense Forces ang mga naninirahan sa Khan Younis sa southern Gaza na lumikas na.
Sa pamamagitan ng pagpapamudmod ng leaflet ay hinikayat ng Israel ang mga residente doon na dapat ay agad silang lumikas para maiwasan na madamay pa sila sa laban kontra Hamas.