Nanindigan si Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu na ipagpapatuloy ng Israel ang pag-atake sa militanteng grupong Hezbollah sa Lebanon.
Ito ay hanggang sa makamit aniya nila ang kanilang layunin sa digmaan na maibalik ang mga na-displace na mga sibilyang Israelis sa kanilang mga tahanan sa northern border.
Iginiit din ng Israeli PM sa mamamayan ng Lebanon na hindi sila ang punterya ng digmaan at binalaan ang mga ito laban kay Hezbollah leader Hassan Nasrallah.
Ayon naman kay Israeli military spokesman Rear Admiral Daniel Hagari, ginawa na umano ng Hezbollah ang southern Lebanon at Bekaa Valley na isang combat zone.
Sinabi din ni Hagari na napatay sa airstrike sa southern suburbs ng Beirut ang Hezbollah misile and rocket unit commander na si Ibrahim Qubaisi nitong hapon ng Martes kasama ng 2 iba pang commanders. Kinumpirma naman ng Hezbollah ang pagkamatay ni Quibaisi.
Si Quibaisi ay isang key figure sa pag-activate ng mga missile at responsable sa ilang serye ng pag-atake sa mga teritoryo ng Israel.
Sa kasalukuyan, pumalo na sa 558 katao ang napatay habang nasa 1,835 katao naman ng naitalang nasugatan sa inilunsad na airstrike ng Israel sa southern Lebanon at eastern Beka valley.