-- Advertisements --
Sinampahan ng kaso ng Israel attorney general si Prime Minster Benjamin Netanyahu.
Ang kasong bribery, fraud at breach of trust ay sinampa may kaugnayan sa magkakahiwalay na kaso.
Sinasabing tumanggap ng regalo ang Prime Minister mula sa mayamang negosyante para sa positibong press coverage.
Mariing pinabulaanan naman nito ang nasabing alegasyon.
Sinabi nito na ang nasabing kaso ay gawa-gawa lamang ng kaniyang mga kritiko.
Nagmatigas din itong hindi bababa sa puwesto at handa nitong harapin ang nasabing kaso.