-- Advertisements --

Tiniyak ni Israel Prime Minister Benjamin Netanyahu na kaniyang iimbestigahan ang nangyaring stampede sa religious festival sa Mount Meron na ikinasawi ng 45 katao.

Sa kaniyang pagbisita sa lugar tinawag nito ang pangyayari na isang pinakagrabeng aksidenteng nangyari sa kanilang bansa.

Ipapatawag nito ang mga opisyal sa lugar para matiyak na hindi na mauulit ang insidente.

Magugunitang bukod sa mga nasawi ay mayroong 150 katao rin ang sugatan sa ginanap na Lag B’Omer festival.