-- Advertisements --
Madidiin sa kasong kurapsyon si Israel Prime Minister Benjamin Netanyahu.
Ito ay dahil sa nakabinbin na kaso nito sa korte na bribery, pandarambong at breach of trust.
Inakusahan kasi si Netanyahu na tumanggap siya ng regalo mula sa mayamang negosyante para mapaburan at maibigay ang mga proyekto ng gobyerno.
Mariing pinabulaanan ito ni Netanyahu at sinasabing sinisiraan siya ng mga kalaban niya dahil sa nalalapit na halalan sa buwan ng Abril.