-- Advertisements --

Pumayag ang Israel na pansamantalang itigil ang labanan sa Gaza para payagang mabakunahan ng gamot kontra polio ang mga bata.

Sinabi ni World Health Organization’s representative for the West Bank and Gaza Rik Peeperkorn na magsisimula ang pagtigil putukan sa Setyembre 1.

Mahahati ito ng tatlong yugto na ang unang tatlong araw ay sa central Gaza na susundan sa south Gaza at northern Gaza.

Ikinatuwa naman ng Hamas group ang nasabing pagpapasya na ito ng Israel dahil lubhang kailangan ng mga bata ang tulong medical.