-- Advertisements --

Pwersahang sinalakay ng Israeli military ang Kamal Adwan Hospital, ang huling pangunahing ospital sa hilagang Gaza. 

Sinabi ng Hamas-run Gaza health ministry, kinulong ang mga medical staff kabilang ang director ng Kamal Adwan. 

Ayon kay Dr Hussam Abu Safiya, director ng naturang ospital, humigit-kumulang 50 katao ang namatay dahil sa Israeli air strikes na target ang paligid ng ospital. 

Sinabi naman ng Israel Defense Forces (IDF) na nakumpleto nito ang isang targeted operation, na sinasabing ang ospital ay isang “hamas terrorist stronghold”.

Nitong Biyernes, pwersahang inilipat ang mga pasyente sa Kamal Adwan sa malapit na Indonesian Hospital. 

Sinabi ng World Health Organization, 15 critical patients, 50 caregivers, at 20, health workers ang inilipat.