-- Advertisements --

Nagpasya si Israel Olympic rhythmic gymnastics champion Linoy Ashram na magretiro na lamang.

Ayons a 22-anyos na atleta na nais na niyang magcoach na lamang.

Nagwagi si Ashram ng gold medal sa individual all-around sa Tokyo Olympics noong nakaraang taon na hawak ng Russia ang nasabing titulo mula pa noong 2000.

Dagdag pa nito na maituturing na niya bilang accomplishments ang pagiging kampeon niya.

Nagwagi ng anim na silver at limang bronze medal si Ashram noong 2017, 2018 at 2019 world championship.