-- Advertisements --

Inaprubahan na ng Israel security cabinet ang ceasefire deal para tuluyan ng matapos ang giyera nila ng Hezbollah group sa Lebanon.

Lahat ng miyembro ng security cabinet ng Israel ay pumabor sa nasabing ceasefire deal.

Sinabi naman ni US Secretary of State Antony Blinken na ang ceasefire agreement sa pagitan ng Israel at Hezbollah sa Lebanon ay nasa huling yugto na.

Ipapaubaya na lamang nito sa Israel ang pagtatanggol sa sariling bansa kung sakaling mayroong banta.

Ikinatuwa naman nito dahil sa nakamit nila ang nais na ipatupad ng United Nations Security Council na isulong ang kapayapaan.