-- Advertisements --

Sinimulan na ng pagamutan sa Israel ang clinical trial ng ikaapat na shot ng Pfizer-BioNTech coronavirus vaccine.

Nais kasing malaman ng health ministry kung ano ang magiging epekto ng ikaapat na bakuna.

Ayon kasi sa pag-aaal na isinagawa ng Sheba Medical Center na mayroong 150 volunteers mula sa mga staff ng pagamutan na nakatanggap na ng mahigit apat na buwan sa ikatlong bakuna ay nagpapakita ng senyales ng paghina ng kanilang antibodies.

Iginiit naman ni Director of the Infectious Disease Epidemiology Unit at Sheba, Gili Regev-Yochay na kanilang mabuting pag-aaralan ang epekto ng ikaapat na pagtuturok ng bakuna laban sa COVID-19.