Sinimulan na ng Israel ang ground invasion sa Lebanon.
Sa isang statement, sinabi ng Israeli Defense Forces na sinimulan na nila ang limited, localized at targeted ground raids laban sa Hezbollah sa mga village sa southern Lebanon malapit sa border ng Israel.
Sinabayan ang naturang incursions ng Israeli forces ng air strikes at artillery.
Una ng sinabi ni Israeli Defense Minister Yoav Gallant nitong Lunes na layunin ng kanilang isinasagawang ground operation sa Lebanon ay para makabalik na ng ligtas ang mga mamamayang Israelis sa kanilang mga tahanan sa northern border na lumikas halos isang taon na ang nakakalipas dahil sa pinapakawalang rockets mula sa Hezbollah sa Lebanon.
Samantala, sa nakalipas na 24 oras, nasa 95 katao ang napatay at 172 ang sugatan sa inilunsad na strikes ng Israel sa southern regions ng Lebanon, eastern Bekaa valley at Beirut ayon sa Health Ministry ng Lebanon nitong Martes.
Sinabi naman ni Hezbollah deputy leader Naim Qassem, sa unang pagkakataon na nagsalita ito sa publiko matapos masawi ang Hezbollah leader na si Hassan Nasrallah, na nakahanda ang kanilang pwersa para sa ground engagement.