-- Advertisements --
Tiniyak ng Israel na sila ay gaganti matapos ang rocket attack mula Lebanon na ikinasawi ng 12 katao sa Golan Heights.
Ayon kay Israeli Defense Minister Yoav Gallant, na ito na ang pinakamatinding atake sa mga sibilyan ng Israel mula ng pag-atake ng Hamas noong Oktubre ng nakaraang taon.
Sinisi ng Israel ang Hezbollah group mula sa Lebanon na sila ang nasa likod ng pagpapalipad ng Falaq-1 Iranian rockets.
Subalit itinanggi ng Hezbollah na sila ang nasa likod ng nasabing pag-atake at wala aniya silang kinalaman sa kaguluhan.
Nanawagan naman ang European Union ng imbestigasyon ukol sa nasabing insidente.
Habang kinondina ng maraming bansa gaya ng France at Germany ang nasabing pag-atake.