-- Advertisements --

Tiniyak ng Israel government na tuloy na tuloy ang gaganaping Miss Universe.

Ito ay kahit na may banta ng bagong variant ng COVID-19 na Omicron.

Sinabi ni Israel Tourism Minister Yoel Razvozov, na lahat ng mga participants na itatalaga sa Red Sea resort sa Ellat ay mabibigyan ng waivers at sila ay sasailalim sa PCR testing tuwing 48 oras.

Nauna ng inanunsiyo ng Israel ang pagbabawal nila ng pagpasok ng mga dayuhan sa kanilang bansa dahil sa nasabing banta.

Gaganapin ang Miss Universe pageant sa darating na Disyembre 12.