-- Advertisements --

Tiniyak ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu kay US President Joe Biden na kanilang iiwasan na tamaan ang mga oil at nuclear sites ng Lebanon at Iran.

Kasunod ito sa pagkabahala ng US na sa ginagawang military operations ng Israel sa Iran at Lebanon ay tamaan ang nuclear at oil site na magdudulot ng malaking pinsala.

Umaasa naman ang US na masasakatuparan ito ng Israel para hindi na tumaas pa ang tensiyon sa Gitnang Silangan.

Magugunitang noong nakaraang linggo ay tinawagan ni Biden si Netanyahu at sinabi na marapat na iwasan na tamaan ang oil at nuclear sites ng Iran at Lebanon.