-- Advertisements --

Gagayahin na rin ng Israel ang US na hindi na makikibahagi pa sa United Nations Human Rights Council (UNHRC).

Kasunod ito sa naging pahayag ni UNHRC spokesperson Pascal Sim na ang Israel ay isang observer state status na sakop nila kaya hindi sila puwedeng umalis.

Ang Geneva-based council ay binubuo ng 47 UN member states na ito ay inihahalal ng mga UN members.

Magsisilbi ang mga ito ng apat na taon termino sa rotation basis kung saan ang US ay kasalukuyang hindi elected member ng konseho.

Inakusahan kasi ni Israeli Foreign Minister Gideon Saar ang UNHRC ng anti-semitism kaya gagayahin na rin nila ang US na umalis sa konseho.

Ang nasabing desisyon aniya ay matapos ang pagiging bias umano ng UNHRC laban sa Israel.