-- Advertisements --

Inanunsyo ng Israeli military troops nitong Linggo na ang isasagawa nilang malawakang pag atake ay tinatarget umano ang financial arm ng grupo ng Hezbollah na si Al-Qard al-Hassan at ilang malalaking lugar sa Beirut.

Ilang bahagi naman sa timog na parte ng Beirut ang inuumpisahan nang paulanan ng air strikes ng Israel.

Kasunod nito ay nagumpisa na din magbigay ng mga anunsyo ng evacuation warnings sa timog na bahagi ng Beirut, Silangang bahagi ng Bekaa Valley at ilang bahagi sa timog ng Lebanon.

Samantala, ang pangunahing target naman na si Al-Qard al-Hassan ay hindi pa natutukoy kaya naman ang mga airstrikes ay tatama sa kabuuan ng Lebanon.