-- Advertisements --

Walang pagbabagong kautusan sa publiko ang Israel Defense Forces kahit na may bantang pag-atake ang Iran.

Sinabi ni IDF spokesman Daniel Hagari na mahigpit ang kanilang monitoring sa anumang maaring banta mula sa Iranian defense forces.

Pinag-iingat din nila ang mga mamamayan kung saan dapat ay laging maalerto sakaling ituloy ang nasabing atake.

Magugunitang nagbanta ang Iran na sila ay gaganti matapos na ang pagpatay kay Hamas political leader Ismail Haniyeh sa Iran.