-- Advertisements --

Patay ang labing isang miyembro ng isang pamilya kabilang na ang dalawang bata, sa inilunsad na airstrike ng Israel sa Khan Younis sa Gaza.

Ayon sa impormasyon ng Nasser Hospital, tumama ang air strike sa mismong tahanan ng pamilya na naging resulta ng pagkamatay ng mga ito. Nakatanggap naman ang ospital ng mahigit 33 indibidwal na nasawi sa tatlong magkakasunod na airstrike sa lugar.

Nakapagtala din ng 16 na nasawi sa Hamad City, 10 bangkay naman ang natagpuan sa isang residential building sa kanlurang bahagi ng Khan Younis at dalawang bangkay naman ang nasa timog na bahagi ng Rafah.

Samantala, pinili namang bumalik ng ilang residente at pamilya sa Hamad City sa kabila ng pagbomba ng Israeli military sa lugar.

Matatandang nag ugat ang giyera sa pagitan ng Israel at ng Gaza nang magsagawa ng isang atake ang Hamas kontra Israel noong October 7, 2023 na kumitil ng halos 1,200 na mga sibilyan.