Tiniyak ni Israel Ambassador to the Philippines Ilan Fluss na nasa ligtas na kalagayan ang mga Pilipino sa Israel, sa kabila ng tumitinding sitwasyon sa Middle East.
Ayon kay Fluss, regular ang komyunikasyon sa pagitan niya at nang embahada ng Pilipinas na nakabase sa Israel.
Nananatili aniya ang maayos na kundisyon ng mga Pinoy na nakabase sa naturang bansa at natutugunan ang kanilang pangangailangan, batay na rin sa kanilang huling pag-uusap
Direkta rin aniyang nakikipag-ugnayan ang Ministry of Foreign Affairs sa lahat ng embahada na nakabase sa naturang bansa upang matiyak na mabantayan din nito ang kalagayan ng lahat ng dayuhang naroon sa Israel.
Pinuri naman ni Fluss ang umano’y kooperasyon ng mga Pinoy at hindi nagpupumilit na pumasok sa mga lugar na dati nang idineklara bilang danger zone.
Iginiit naman ng ambassador na mananatili ang commitmment ng Israel na mapagbuti ang relasyon nito sa Pilipinas, sa gitna ng pagharap nito sa giyera sa laban sa ilang mga militanteng grupo sa Middle East.
Ayon pa kay Fluss, ang pagprotekta sa mga Pinoy workers sa na naroon sa Israel ay bahagi ng pagnanais nitong mapatatag ang relasyon ng Israel at Pilipinas.