-- Advertisements --
image 5

Nilinaw ni Israeli Ambassador to the Philippines Ilan Fluss na hindi sinasakop ng Israel ang Gaza iginiit na ang nagpapatuloy na giyera ay sa militanteng grupong Hamas at hindi sa mga mamamayang Palestinian.

Sa isang statement, sinabi ng PH envoy na dapat gumawa ng isang decisive action ang international community laban sa Hamas at italaga bilang terror organization.

Sinabi pa ng envoy na ang founding charter ng Hamas na nagsusulong sa pagkasira ng Israel at pagpatay sa lahat ng hudyo mula sa iba’t ibang panig ng mundo ay katulad ng modernong rehimeng Nazi. Patuloy ang karahasan at pagdanak ng dugo sa pag-atake ng militanteng Hamas na tumututol sa mapayapang negosasyon

Taliwas sa misconceptions at maling impormasyon, hindi inookupa ng Israel ang Gaza at walang plano ang Israel na gawin ito. Sa kasamaang palad aniya ang Hamas ang de facto governing body ng Gaza.

Ayon pa sa envoy, dinidemand nila ang agarang pagpapalaya sa lahat ng mga bihag ng Hamas.

Ginawa ng Israeli envoy ang pahayag matapos na magtipun-tipon ang mga progresibong grupo sa harapan ng Israel Embassy sa Taguig nitong Martes para batikusin ang pagkubkob ng Israel sa Palestine.