Nakatakdang dumating sa Pilipinas ngayong buwan ang ilang mga eksperto mula sa bansang Israel upang tulungan ang Pilpinas sa mas maayos at mabilis na pagbabakuna.
Kinumpirma ngayon ni vaccine czar Carlito Galvez Jr. na darating ang tatlong mga Israeli expert mula sa kanilang Ministry of Health sa June 20.
Kabilang umano sa ituturo sa Pilipinas ang mga kaalaman sa mabilis na pag-deploy sa maseselan na bakuna tulad ng Pfizer at Moderna.
Kung maalala ang Israel ang kinikilala sa buong mundo sa naging mabilis na pagbabakuna sa marami nilang mamamayan.
Ayon kay Sec Galvez, gusto rin nilang makakuha ng mga tips, diskarte o “lessons learned” kung paano ang mabilis na naibalik ang normalisasyon sa Israel kung saan marami na sa mga mamamayan doon ang hindi na rin gumagamit ng face mask.
Kung maaalal noong Marso 25, inanunsiyo ng Israel na mahigit kalahati ng kanilang 9.3 million populations ang nakakumpleto na sa bakuna.
Dahil sa kanilang matagumpay na vaccine rollout, unti-unti na muling binuksan ng Israel ang kanilang ekonomiya matapos ang tatlong lockdowns.