Ibinahagi ng Israeli government ang mga best practices nito pagdating sa pagprotekta ng kanilang assets kasama ang Philippine state forces sa gitna ng banta ng paglikha ng mga teknolohiya laban sa defense system ng mga bansa.
Isinagawa ito sa ginanap na anti-drone seminar sa Enderun College sa Bonifacio Global City sa Taguig na inisyatibo ng Israeli government na dinaluhan nina Israel Ambassador to the Philippines Ilan Fluss, Israel Defense Attaché to the Philippines Raz Shabtay at Israel Ministry of Defense Deputy Regional Director for East Asia Noam Haibi kasama ang miyembro ng pwersa ng Pilipinas mula sa Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP) at Philippine Coast Guard (PCG).
Ayon lay Fluss, ito ang kauna-unahang major defense seminar na isinagawa ng Defence Attaché ng Israel na ginanap sa bansa na nagpapatunay aniya sa close cooperation ng Israel at Pilipinas na kaniyang tinawag na isa sa kanilang priority countries.
Tinalakay sa naturang seminar ang pagprotekta sa Pilipinas laban sa drone strikes bunsod ng kasalukuyang mga banta sa seguridad.
Ayon kay Fluss, bawat organisasyon dito sa Pilipinas ay mayroong sariling assets na kailangang depensahan.
Samanatala, sinabi din ni Fluss na mas marami pang defense assets ang bibilhin ng gobyerno mula sa Israel kung saan ipinapadala na sa bansa ang military sound systems gayundin ang fast boats mula sa Israel.
-- Advertisements --