-- Advertisements --

Nagbitiw sa kaniyang puwesto si Israeli intelligence chief Major General Aharon Haliva.

Ang nasabing pagbibitiw ay una na niyang inanunsiyo noon pang buwan ng Abril.

Isa mga dahilan umano ng kaniyang pagbaba sa puwesto ay ang bigong mapigilan ang pag-atake ng mga Hamas noong Oktubre 7.

Una rito ay inako niya ang nasabing kamalian dahil hindi napigilan ang pag-atake ng mga Hamas.

Ang nasabing pagbibitiw ay malugod na tinanggap naman ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu.