-- Advertisements --

Pinatawan ng siyam na buwang community service si Israeli supermodel Bar Refaeli dahil sa tax evasion.

Kabilang din na pinatawan ng 16 buwang na pagkakakulong ang ina nito.

Nagbunsod ang nasabing kaso dahil sa hindi nito pagdeklara ng mga kita nito mula sa kaniyang international career.

Inakusahan ng Israel tax authorities na hindi nagbayad si Refaeli ng aabot sa $7.2 million na buwis.

Ang 35-anyos na model ay mayroon ng tatlong anak mula sa negosyanteng Israeli ay itinanggi ang nasabing alegasyon kung saan sinabi nito na naninirahan na ito sa ibang bansa kaya dapat ito ay hindi na dapat magbayad ng buwis.