Pinuri ng isang Israeli official ang kabayanihang ipinamalas ng napatay ng militanteng Hamas na Pinay nurse na tumangging tumakas nang hindi kasama ang kaniyang matandang pasyente.
Ibinahagi ni Deputy Mayor of Jerusalem Fleur Hassan-Nahoum na isang nurse si Anggeline mula sa Pilipinas na nag-aalaga sa matandang passyente na si Nira sa Kibbutz Kfar Gaz.
Sinabi din ng Israeli official na kahit may pagkakataon itong makatakas mula sa terror attack ng Hamas, nagpamalas ng kahanga-hangang kabaitan at katapatan na nanatili sa tabi ng kaniyang pasyente sa kalagitnaan ng karahasan na nagresulta sa brutal na kamatayan ng dalawa sa kamay ng Hamas.
Inilarawan nito ang nagawa ng Pinay nurse bilang ” Unimaginable honor in the face of evil”.
Ang Pinay nurse ay isa sa libu-libong napatay sa giyera na nag-ugat sa surprise attack sa Israel ng Hamas na tinatayang mayroong 150 bihag na mga Israeli at iba pang mga banyaga.