Galit na kinondena ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu ang International Criminal Court (ICC) prosecutor sa paghiling ng arrest warrant laban sa kaniya at sa Hamas leader kaugnay sa umano’y war crimes sa Gaza conflict.
Mariing tinutulan din ng PM ang pagkumpara sa aniya’y demokratikong Israel kumpara sa tinawag nitong mass murderers.
Sinegundahan din ni US President Joe Biden ang pahayag ni Netanyahu at sinabing hindi magkatulad ang Israel at Hamas.
Una ng sinabi ni chief ICC prosecutor Karim Khan na walang resonableng basehan para paniwalaan na mayroong criminal responsibility si Netanyahu at kaniyang Defense Minister na si Yoav Gallant.
Matatandaan, nag-ugat ang mga akusasyon laban sa Israeli at Hamas leader mula sa mga pangyayari ng October 7 ng nakalipas na taon kung saan inatake ng Hamas militants ang Israel na kumitil sa 1,200 katao at binihag ang 252 indibidwal sa Gaza habang sa panig ng mga Palestino nasa 35,500 na ang napatay sa Gaza.