Ilalahad ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu ang katotohanan sa giyera laban sa Hamas sa Gaza kapag humarap ito sa US Congress sa Hulyo 24 sa pagbisita nito sa Washington.
Nakatakda kasing magsalita si Netanyahu sa joint session ng US House of Reprentatives at Senate sa gitna ng nagpapatuloy na giyera sa pagitan ng Israel at Hamas.
Hindi pa malinaw sa ngayong kung makikipagkita rin si Netanyahu kay US Pres. Joe Biden sa kaniyang pagbisita sa Amerika.
Sinabi naman ni Israeli PM na naantig siya na mabigyan ng pribilihiyo na kumatawan sa Israel para ilahad ang katotohanan kaugnay sa tinawag niyang makatarungang giyera laban sa mga naglalayong sirain ang kanilang bansa.
Sa invitation letter naman sa PM, sinabi nina House Speaker Mike Johnson at Senate Minority Leader Mitch McConnell na umaasa silang sasamantalahi ng Israeli leader ang pagkakataon para ibahagi ang bisyon ng Israeli government para sa pagdepensa ng kanilang dmokrasiya, paglaban sa karahasan at pagkakaroon ng pangmatagalang kapayapaan sa rehiyon.
Matatandaan naman na noong nakalipas na buwan, nag-apply ang International Criminal Court prosecutor ng arrest warrants laban kay PM Netanyahu at sa kaniyang defense minister na si Yoav Gallant para sa mga kasong may kinalaman sa nagpapatuloy na giyera.