-- Advertisements --
Binigyang linaw ngayon ng ni Dutch Prime Minister Dick Schoof na maari pa ring makabisita sa kanilang bansa si Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu at hindi ito maaresto.
Kasunod ito sa paglabas ng warrant of arrest ng International Criminal Court na nakabase sa the Netherlands.
Sinabi nito na mahalaga ay mayroong silang obligasyon mula sa treaty at sila ay marapat na tumugon dito.
May ilang scenario aniya na maaring mangyari subalit hindi na binanggit pa ni Schoof kung ano ang mga ito.
Magugunitang pinapaaresto ng ICC si Netanyahu at dating defense minister nito dahil sa genocide at war crime na ginawa sa Gaza.