Umapela si Israeli Prime Minsiter Benjamin Netanyahu sa mga mamamayan ng Lebanon na palayain ang kanilang bansa mula sa militanteng Hezbollah upang matapos na ang giyera.
Sa isang video address sa mamamayan ng Lebanon, sinabi ni Netanyahu na may pagkakataon ang mga ito na isalba ang Lebanon bago ito tuluyang malubog sa mahabang digmaan na hahantong sa destruksiyon at paghihirap gaya ng nakikita ngayong sitwasyon sa Gaza.
Ginawa ni Netanyahu ang apela kasunod ng pagpapalawig pa ng Israel ng kanilang ground invasion laban sa Hezbollah sa pamamagitan ng pagpapadala ng libu-libong mga tropa sa new zone sa south-west Lebanon.
Samantala, hindi naman natitinag ang kampo ng Hezbollah sa kabila pa ng 3 linggong pinaigting pa na air strikes ng Israel at iba pang mga pag-atake sa Lebanon na kumitil na sa mahigit 1,400 katao at nagresulta sa pagka-displace ng 1.2 milyong katao.