-- Advertisements --

Sinalubong ng protesters si Israeli President Isaac Herzog sa pagdalo nito sa Holocaust Museum sa Amsterdam.

Ipinanawagan ng mga protesters ang pagkakaroon ng ceasefires sa military operations ng Israel sa Gaza.

Bantay-sarado ng mga otoridad ang National Holocaust Museum para hindi makalapit pa ang mga protesters.

Karamihan sa mga nagpoprotesta ay mga Hudyo kung saan makikitan iwanagayway ang watawat ng Palestine at Israel.

Ayon sa Museum na kanilang inimbitahan si Herzog bago pa man maganap ang pag-atake ng Hamas noong Oktubre 7.

Sa talumpati ng Israeli President na dapat ay hindi na maulit pa ang nangyaring racism at antisemitism noong nakaraang mga panahon.

Hinikayat din nito ang lahat na samahan sila sa paglaban sa mga Hamas.

Matapos ang talumpati nito ay ligtas na itong nakaalis sa Amsterdam.