-- Advertisements --

Tinawag ng Israeli police at security agency na Shin Bet na isang terror attack ang nangyaring pagsabog sa Tel Aviv nitong Linggo ng gabi.

Ang nasabing pagsabog ay inako ng Al-Qassam Brigades kuing saan isang uri ng suicide bombing ang nangyari na ikinasugat ng maraming biktima.

Matapos ang insidente ay agad na nagsagawa ng paggalugad ang mga kapulisan sa nasabing lugar.

Sinabi ng Hamas na ang “martyrdom operatioin” ay dinala sa koordinasyon ng Palestinian Islamic Jihad’s armed wing na Al-Quds Brigades.