-- Advertisements --
Nagbitiw sa kaniyang puwesto si Israeli war cabinet member Benny Gantz.
Sinabi nito na naging mahirap ang desisyon na umalis sa gobyerno ni Netanyahu.
Dagdag pa nito na tili pinipigilan sila ni Netanyahu para makamit ang tunay na tagumpay sa Gaza.
Giit nito na ang sitwasyon ngayon sa bansa at sa decision-making room ay lubos na nagbago na mula ng magsimula ang paglusob ng Hamas noong Oktubre 7.
Inakusahan pa nito ang Prime Minister na inilalagay ang personal political consideration sa post-war strategy sa Gaza at hinikayat niya ang Prime Minister na magsagawa ng panibagong halalan.