Tatapusin na ng National Aeronautics and Space Administration (NASA) ang pagtatrabaho ng International Space Station (ISS) ng hanggang 2030.
Ayon sa NASA na pagdating ng 2031 ay babagsak ang ISS sa bahagi ng karagatan na kilala bilang Point Nemo.
Kilala ang Point Nemo na pinakamalayong lugar sa kalupaan o tinatawag nilang spacecraft cemetery.
Marami na kasing mga lumang satellites at ibang mga space debris ang bumagsak na sa nasabing lugar kabilang na ang Russian space station na Mir noong 2001.
Pangungunahan na kasi ng commercial sector ang space activities.
Ang ISS na joint project ng limang space agencies ay nasa kalawakan mula pa noong 1998 at ito ay may mga nakatalagang crew.
Nasa mahigit 3,000 na research investigations na rin ang isinagawa sa microgravitiy laboratory nito.
Noong 2020 kasi ay iginawad ng NASA ang kontrata sa Texas-based company na Axiom Space.