-- Advertisements --
image 652

Ini-isyu ng Department of Justice ang Department Circular No. 017 na naglalayong maprotektahan ang mga social workers sa bansa kung saan ito ay lubos na ikinatuwa ng DSWD.

Ang polisiyang ito ay ang magiging proteksyon ng mga social workers na pansamantalang hahawak sa kustodiya ng mga batang mayroong banta sa kanilang seguridad.

Lubos naman ang pasasalamat ni DSWD Secretary Rex Gatchalian kay DOJ Secretary Jesus Crispin C. Remulla dahil malaki raw ang maitutulong nito na makapagtrabaho at maging efficient ang mga social workers ng walang iniisip na banta sa kanilang buhay.

Itong polisiya ay pumapailalim sa prioridad ng bansa na maprotektahan, mapromote at mapangalagaan ang mga bata dahil anila sila ang kinabukasan ng bansa.