-- Advertisements --

Sinimulan na ng Department of Justice at Bureau of Immigration ang implementasyon ng mahigpit na pagbibigay ng visa upon arrival (VUA) ng mga turistang Chinese.

Ito ang kinumpirma ni Justice Sec. Menardo Guevarra matapos ulanin ng batikos kamakailan ang kwestyonableng bilang ng mga dayuhang Chinese sa Pilipinas.

Ayon kay Guevarra, target ng ahensyang limitahan ang maximum permissible period sa 30-araw, gayundin na ipa-blacklist ang overstaying foreigners.

Bukod dito, siniguro rin ng kalihim na hindi pwedeng i-convert sa work visa ang mga bagong visa na iga-grant ng gobyerno sa mga dayuhan.

Paparusahan din umano ang travel agencies na mapapatunayang lumabag sa panuntunan.

“We intend to limit the maximum permissible period to 30 days, blacklist overstaying aliens, ensure non-convertibility to work visas, and impose sanctions on travel agencies breaking the rules.”

“But if it’s a regular tourist visa issued by our consular offices abroad, it may be converted to a work visa upon compliance with all legal requirements.”

Sa ilalim ng kasalukuyang panuntunan, pwede pang i-extend ng hanggang anim na buwan ang VUAs na may 30-days maximum permissible period.

Batay sa datos ng gobyerno, nitong unang quarter pa lang ng 2019 ay nasa higit 730,000 na ang tourist arrivals ng mga Chinese sa Pilipinas.