BUTUAN CITY – Pinatututukan ni Department of Social Welfare and Development o DSWD Secretary Rex Gatchalian sa mga local government units ng Surigao del Norte lalo na sa kanilang municipal office kasama ang iba pang concerned national government line agencies ang pagtiyak na ma-a-address ang lahat ng mga issues and concerns sa mga pamilyang nananatili pa rin sa compound ng binansagang kultong Socorro Bayanihan Services Inc. o SBSI sa Sitio Kapihan, Brgy. Sering sa bayan ng Socorro.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni DSWD-Caraga spokesperson Mark Davey Reyes na patuloy ngayon ang kanilang ginawang assessment sa naturang mga pamilya at kung anuman ang makikita nilang kailangan ng mga ito, ay sya umano nilang tutugunan.
Kasama sa pinatitiyak ng kalihim ang pagbibigay ng psycho-social interventions lalo na sa mga batang nakaranas ng pang-aabuso dahil sa practices ng mismong kulto.
Ang mga batang kanilang na-rescue ay nasa mga residential care facilities ng kanilang ahensya habang patuloy ang kanilang suporta sa mga kasong isinampa laban sa mga lider ng kulto.