-- Advertisements --
IMAGE © National Economic and Development Authority (NEDA) | Google Maps

Aminado ang National Economic and Development Authority (NEDA) na nagpapaantala sa paglakad ng Rice Tariffication Law ang mga agam-agam ng Department of Agriculture sa binalangkas na implementing rules and regulations (IRR) nito.

Sa isang panayam sinabi ni NEDA Usec. Rosemarie Edillon, na DA na lang ang hindi pa pumipirma sa IRR dahil may mga pag-kwestyon at hiling ito hinggil sa paglakad ng batas.

Kabilang na dito ang karagdagang benepisyo para sa mga empleyado ng National Food Authority na pinaka-maapektuhan umano kapag lumakad na ang implementasyon nito.

Tiniyak naman ng opisyal na hindi makakaapekto sa kasalukuyang importation ng bigas ang nakabinbin pang IRR ng batas.

Sa ngayon kase, nakasunod daw muna sa nilalaman ng Administrative Order No. 13 ang pag-aangkat ng bigas.

Sa ilalim nito, maluwag na ring makakapasok ang mga imported na bigas kapalit ng mas murang presyo nito sa mga pamilihan.

Bukod dito, siniguro rin ng NEDA na may mga probisyon ang batas na susugpo sa banta ng pag-kontrol at sabwatan.

Nanawagan din ito sa pagkakapasa ng 2019 budget na siyang panggagalingan ng pondo para sa ayuda ng mga magsasaka.