-- Advertisements --
CENTRAL MINDANAO – Umupo muna bilang acting vice mayor ng Matalam, Cotabato si First Municipal Councilor Ralph Ryan Rafael.
Ito ay base sa batas at kautusan ng MLGOO sa bayan ng Matalam matapos ma-ospital sa Davao City si Vice Mayor Cheryl Valdevieso-Catamco.
Nabatid na nagpadala ng information briefer si Matalam Municipal Local Government Operations Officer (MLGOO) Emilia Dandoy sa DILG-12 kung saan nakasaad na bakante ang tanggapan ng bise-alkalde matapos na nagpositibo ito sa COVID-19.
Dito ay inirerekomenda si Rafael na umupo pansamantala bilang highest ranking sangguniang bayan member.
Tutukan naman ni Rafael ang kapakanan ng taumbayan sa pag-upo nitong vice-mayor ng bayan ng Matalam.