Nanindigan ang Golden State Warriors na hindi pa umano tapos ang kanilang kuwento kasunod ng pagkabigo nilang madepensahan ang kanilang titulo sa NBA Finals.
Nitong Biyernes nang natapos ang dalawang taong paghahari ng Warriors sa liga nang yumuko sila sa Toronto Raptors, 110-114, dahilan para matuldukan ang kanilang pangarap na three-peat.
Nadagdagan din ang sakit sa ulo ng Golden State nang magka-injury sa kalagitnaan ng laro si Klay Thompson, na inaasahang sa susunod na taon pa makakabalik.
Pinuri ni Warriors guard Stephen Curry ang ginawa nilang pagtaguyod sa kanilang team hanggang sa huli, at kumpiyansa itong makakabangon sila sa susunod na season.
“But our DNA and who we are and the character that we have on this team, I wouldn’t bet against us being back on this stage next year and going forward. So really proud of the way that we fought until the end and this five-year run’s been awesome, but definitely don’t think it’s over,” ani Curry.
Sa panig naman ni Draymond Green, hindi raw tamang isipin na tuluyan nang nalaglag ang Warriors at hindi niya raw nakikita na ito’y mangyayari.
“I think everybody thinks it’s kind of the end of us,” wika ni Green. “But that’s just not smart. We’re not done yet. We lost this year. Clearly just wasn’t our year, but that’s how the cookie crumbles sometimes. But, yeah, I hear a lot of that noise, it’s the end of a run and all that jazz. I don’t see it happening though. We’ll be back.”
Kasalukuyang hinaharap ng Warriors ang posibilidad na kahit na mapanatili nila sina Kevin Durant at Thompson sa kanilang poder, hindi naman ito makakalaro sa halos kabuuan ng sunod na season.
Samantala, hindi napigilan ang ilang mga Pilipino sa Canada na makiisa sa selebrasyon ng mga Canadians sa tagumpay ng Raptors sa NBA Finals.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Monroy Tañala, isang dating propesor na nakatira ngayon sa Toronto, mayroon umanong mga Pinoy na pansamantala munang lumiban sa kanilang trabaho upang makisaya sa pagdiriwang.