Tiniyak ng isang opisyal ng Taguig City Department of Education (DepEd) na striktong sinusunod ang health protocols sa pagsisimula ng pilot face-to-face classes nitong araw ng Lunes, December 6,2021.
Ito ay para matiyak ang kaligtasan ng mga lumalahok na guro at estudyante laban sa Covid-19 virus.
Ayon kay Taguig City Education Office chief, Dr. George Tizon, isang committee na binubuo ng mga miyembro mula sa Department of Health (DOH), Department of Education, representatives mula sa city’s health office at DepEd Taguig-Pateros, ang nag come up ng mga standards na siyang kinakailangan para sa safe conduct ng face-to-face classes.
Dalawang public elementary schools sa taguig ang nakibahagi sa pilot implementation ng face-to-face classes sa Metro Manila.
Ang mga eskwelahan na ito ay ang Sen. Renato Companero Cayetano Memorial Science & Technology High School at Ricardo P. Cruz Elementary School na kabilang sa 28 eskwelahan sa NCR na nakiisa sa in-person classes.
Batay sa guidelines na inilabas ng DepEd, ang mga senior high school students sa Cayetano ay mananatili ng apat na oras at kalahati.
Nasa 15 estudyante ang nakiisa sa face-to-face classes.
Nasa 12 pupils sa kinder at 16 each pupils Grade 1,2,3 ang pinayagan na makilahok sa tatlong oras na face-to-face classes sa Ricardo P. Cruz Elementary.
Nuong November 17, dalawang private international at public schools ang pinayagan ng DepEd na magsimula ng in-person classes.
Ayon kay Tizon, malaki ang pagbabago kung paano isinasagawa ngayon ang classroom learning dahil pinapayagan na nila ang “flexible learning” kung saan 15 estudyante ang present habang ang iba nilang classmates ay sa pamamagitan ng online class.
Sa ngayon, ongoing ang paghahanda para sa iba pang private at public schools para masiguro na ang kanilang mga teaching at non-teaching personnel ay fully vaccinated kasama ang kanilang mga estudyante.
Inihayag ni Tizon, na may ginagawa ng hakbang ngayon si Taguig Representative Lani Cayetano para matiyak na lahat ng education stakeholders ay fully vaccinated para masiguro na ang mga estudyanteng nakikiisa sa face-to-face classes ay ligtas.
“Unang una malaki ang pagbabago sa classroom dahil ito ay pilot implementation kami po ay gagamit ng Flexible learning kung saan physical students na present today were 15 students ay sabay sabay silang mag aaral kasama mga estudyane nasa kanilang tahanan online learning modality sa ibang paaraln sa private and public school kami po ay nagsagawa ng paghahanda ang aming teaching and non teaching personnel ay fully vaccinated kahit po ang ating mga estudyante ay vaccinated maging ang mga magulang nag participate sa program ay vaccinated din kami po ay nakipag tulungan GPTA pangguna GPTA operation federations sa direktiba din din Rep. Lani Cayetano na nakatutok at sa mga parents sapagkat ang partners natin dito ang mga magulang na titiayk na ligtas ang mga estudyante habang sila ay nasa paaralan,” pahayag ni Dr. Tizon.