-- Advertisements --

Naka sentro sa usaping pangseguridad ang pulong kahapon ni Vice President Leni Robredo at mga matataas na opisyal ng Armed Forces of the Philippines.

Binigyan ng security briefing ng AFP ang pangalawang pangulo at ipina-alam sa kaniya ang kakayahan ng militar na tugunan ang mga hamong panseguridad na kinakaharap ng bansa.

Ayon kay AFP Public Affairs Office (PAO) chief Col. Edgard Arevalo, na hindi napag-usapan ang isyu ng destabilisasyon.

Sinabi ni Arevalo, tinanong lamang ni VP Robredo sa militar ang isyu tungkol sa mga banta sa seguridad at kung paano ito tinutugunan ng militar.

Kuntento naman si Robredo sa mga hakbang na inilatag ng militar na security measures at siniguro ang suporta nito sa militar.

Ayon naman kay AFP spokesperson BGen. Restituto Padilla na nararapat lamang na magbigyan ng security briefing ang pangalawang pangulo.

Si Defense Secretary Delfin Lorenzana ang nag-imbita kay Vice Pres. Robredo sa Kampo Aguinaldo.

Tiniyak naman ni Sec. Lorenzana na mananatili ang katapatan at commitment ng militar sa konstitusyon.