-- Advertisements --
image 357

Humahanap na ng mga paraan ang Department of Transportation (DOTr) para mapabilis ang pagbili ng plastic cards para sa driver’s license at mga materyales para sa mga plaka ng mga sasakyan.

Una na kasing umani ng batikos ang Land Transportation Office (LTO) matapos makatanggap ng isang papel ang mga nagrerenew at naga-apply para sa nasabing lisensiya makaraang kapusin ang ahensiya ng plastic cards.

Paliwanag ni DOTr Secretary Jaime Bautista na walang masyadong problema sa mga nagrerenew dahil pinalawig ang bisa ng kanilang mga lisensiya hanggang sa Oktubre 31. Para naman sa mga bagong aplikante, resibo muna aniya ang paper prinouts na ibinibigay habang ginagawan ng paraan para mapabilis ang procurement ng mga kaialngang materyales para sa driver’s license card.

Binigyang diin naman ni Bautosta na anf pabili ng license cards at license plates ay dapat na sinimulan noon pang Agosto 2022 at ang karamihan sa mga binili ng sectoral offices ng DOTr ay dapat na nasuri ng DOTr.

Subalit sa kasamaang palad ayon sa kalihim hindi pa nasimulan ng LTO ang procurement.
Iginiit din ng opisyal na sinimulan ang pagreview sa pagbili ng materyales noon pang Oktubre at ang kanilang mga procurement activities ay dating ginagawa ng Procurement Service- Department of Budget and Management (PS-DBM).

Samantala, ibinunyag din ng LTO na nakatakdang maubos ang mga materyales para sa mga plaka sa Hunyo.

Ayon sa LTO ang mababa umanong suplay ay maaaring bunsod ng direktiba na nagbabawal sa hensiya na makialam sa anumang procurement na lagpas sa P50 million.