-- Advertisements --

Isasalang ngayong araw sa pagdinig ng Senado ang isyu ng napakalaking backlog sa housing projects ng ating bansa.

Ayon sa data ng Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC), nasa 6.7 million ang kulang na units para sa mga recipient sa iba’t-ibang bahagi ng ating bansa.

Ayon kay Senate committee on urban planning, housing and resettlement chairman Sen. Francis Tolentino, kasama sa kanilang hihimayin ang mga panukalang Sustainable Cities and Communities Act at State of Capacity of Financing for the Housing Sector.

Maging ang Teachers Housing Program ay inaasahang matatalakay din, kung saan kaagapay sa hearing ang Senate committee on ways and means, committee on finance at iba pa.

Para kay Tolentino, napapanahon ang pagdinig na ito ngayong marami ang mga tumatamang kalamidad at nagsisikip ang mga syudad dahil sa dami ng tao, kasama na ang mga walang matirhan.