Naungkat ang pagkakaroon ng umano’y mafia sa pamunuan ng Philhealth sa pagdinig ng Senado at isyu ng pagkakaroon ng conflict of interest ni Health Sec. Francisco Duque III.
Bagamat aminadong hearsay ang pagkakaroon ng mafia sa Philhealth, mismong si Philhealth President at CEO Ricardo Morales ang nagbanggit sa harap ng mga mambabatas na maaaring may mafia sa kanilang tanggapan.
Pero dahil sa anim na linggo pa lamang aniya siya sa pwesto bilang pinakamataas na opisyal ng Philhealth, tumanggi si Morales na sa kanya magmula ang pangalan ng mga indibidwal na itinuturong miyembro ng mafia.
Ayon kay dating PhilHealth board member Roberto Salvador na humirit ng immunity from suit, common denominator sa pitong miyembro ng tinagurian nilang mafia ay ang pagmamatigas ng mga ito na mailipat sa ibang pwesto.
Nilinaw naman niyang hindi sinasabing tiwali o may nagawang kurapsyon ang mga ito kundi tinawag nilang mga mafia dahil sa mga ipinagmamalking impluwensiya sa gobyerno at ayaw na nagagalaw sila sa kanilang posisyon.
Sinasabing mayroong tinatawag na Mindanao group na hindi natitinag sa kanilang pwesto pero meron ding nakaposisyon sa Luzon at Visayas.
Kabilang sa mga tinukoy na umanoy miyembro ng mafia sina:
- Paolo Johan Perez na 21 taon na sa serbisyo bilang regional vice president sa region 4B
- Khaliquzzamn Macabato – 17 yrs sa serbisyo sa ARMM
- William Chavez ng region 7 na 21 yrs sa serbisyo
- Jelbert Galicto ng Region 11 na 21 yrs sa serbisyo.
- Dr. Miriam Pamonag – na napwesto sa region 12 pero dismissed na sa serbisyo
- Masiding Alonto Jr.,- 21 yrs bilang regional vice president sa region 10
- Atty. Valerie Anne Holero – assistant corporate secretary
Present din sa hearing ang mga tinukoy na umano’y mafia members na kanya-kanyang paliwanag sa estado ng kanilang posisyon sa Philhealth at nang mga kinakaharap nilang kaso na isinampa ng grupo nina Dr. Roy Ferrer na nagsilbi ring acting president at CEO ng tanggapan.