-- Advertisements --
Maagang nasabon sa fifth hearing ng Senado ang mga opisyal ng Bureau of Corrections (BuCor) dahil sa maling case information na nakatala sa ilang bilanggo na bibigyan sana ng good conduct time allowance (GCTA).
Halimbawa na rito si Janet Lim-Napoles na sa halip na plunder ay rape ang kaniyang kaso.
Katwiran ni BuCor documents and record section head CTSO2 Ramoncito Roque, minadali kasi ang pagkuha nila ng data kaya marami ang nagkaroon ng pagkakamali.
Kaya lalong nairita si Senate committee on justice chairman Sen. Richard Gordon at tinawag itong mababaw na palusot.
Maliban sa mga isyung uungkatin pa rin ngayon ay “GCTA for sale,” “hospital pass for sale” at iba pang katiwalian sa BuCor.