-- Advertisements --
Tiniyak ni Presidential Spokesman Salvador Panelo ang maingat na paghawak sa isyu kung maghahain ng protesta laban sa China, matapos umanong itaboy ang mga mangingisdang Pinoy na malapit sa Pag-asa Island.
Una rito, hindi naitago ni Kalayaan, Palawan Mayor Roberto Del Mundo ang himutok makaraang pagbawalan ng Chinese fishing vessels ang kaniyang mga kababayan na maghanap-buhay sa karagatan.
Madalas umanong hinaharang ng mga mangingisdang Chinese na may malalaking bangka ang mga Pinoy fishermen sa West Philippine Sea.
Nangangailangan naman ang DFA na timbangin ang mga isyu upang maiwasan ang paglala ng sitwasyon.
Aalamin din umano kung may iba pang mga kahalintulad na pangyayari sa ibang mangingisda.