Kumpiyansa ang gobyernong hindi makaaapekto sa trade relations ng Pilipinas at Canada ang isyu ng tone-tonelada nilang basura.
Sinabi ni Trade and Industry Sec. Ramon Lopez, hiwalay na bagay ang mga basura ng Canada at hindi nito nakikitang magdudulot ng matinding dagok sa relasyon ng dalawang bansa.
Ayon kay Sec. Lopez, sa tagal na ng pinagsamahan ng Pilipinas at Canada, tiwala siyang hindi ito matitibag dahil lamang sa basura.
Inihayag ni Sec. Lopez na mayroon namang mga paraan para masolusyunan ang problema.
“Tingin ko dun, parang separate talaga yun, saka isa pang, parang nasosolve na yun particular issue na yun di ba, may mga winowork out na na plans so hindi yun sa tingin ko makaka apekto sa, kasi business to business transaction natin pagdating sa trade and investment with Canadian companies. So they will simply continue, they see the opportunities in the Philippines, so magtutuloy tuloy lang yun. Di po makaka apekto yun dahil hindi naman, hindi naman yung mga kompanya ang kalaban din natin dun, or so separate. I think that’s a separate issue talaga,” ani Sec. Lopez.