NAGA CITY – Wala umanong naging epekto sa pakikitungo ng mga Canadians sa mga Pinoy na nananatili sa lugar ang pagbalik ng Pilipinas sa mga basura sa Canada.
Sa report ni Bombo International Correspondent Leandro Dela Peña, sinabi nitong dati nang maganda ang relasyon ng mga taga Canada at mga overseas Filipino workers (OFW’s).
Aniya, kamakailan lamang nang lumabas ang balita tungkol sa mga basurang ibinalik ng Pilipinas sa Canada at “aware” naman aniya ang mga Canadians sa naturang isyu ngunit wala namang nagbago sa pakikitungo ng mga ito sa mga Pinoy na nanatili sa kanilang lugar.
Ayon kay Dela Peña, tahimik at walang gaanong naitatalang mabibigat na insidente o krimen sa lugar kung kaya ligtas at nasa mabuting kalagayan naman ang mga Pinoy na nananatili sa ngayon sa Canada.