Iniimbestigahan na rin ng European’s drug regulator ang posibleng blood clot cases sa mga naturukan ng Johnson & Johnson coronavirus vaccine gaya ng kaso sa AstraZeneca vaccine.
Ito ay kahit pa sinabi na ng mga US health authorities na wala silang nakikitang “casual link” sa pagitan ng Johnson & Johnson’s coronavirus shot at blood clots ngunit nagpapatuloy ang kanilang imbestigasyon at assessment sa nasabing kaso.
Ang European Medicines Agency (EMA) ay nakatanggap ng balita na apat na kaso kung saan isa ang kritikal ang nakaranas ng blood clot na may low-blood platelet dahil sa Johnson & Johnson vaccine.
Sa ngayon, sinimulan na ng safety committee ng EMA ang pag-assess may kaugnayan sa thrombo-embolic events mula sa dalawang bakuna.
Nauna nang inaprubahan ng EMA ang paggamit ng Johnson & Johnson bilang bakuna kontra COVID-19.