-- Advertisements --
lito atienza
Buhay Partylist Rep. Lito Atienza

VIGAN CITY – Malaki ang paniniwala ng isang mambabatas na hindi mapag-uusapan ng maayos ang isyu sa pagbabalik ng death penalty sa bansa kung ibabatay ito sa banal na kasulatan o sa bibliya.

Ito ang reaksyon ni Buhay Partylist Rep. Lito Atienza sa naging debate hinggil sa mga bible verses sa pagsusulong ng kaniyang malapit na kaibigan na si Sen. Manny Pacquiao ng death penalty bill sa Senado.

Sinabi sa Bombo Radyo Vigan ni Atienza na kung maaari ay labas sa usaping politikal ang mga kasulatan sa bibliya dahil magkakaiba naman ang paniniwala o pananampalataya ng bawat isa.

Aniya, kung magkakaroon umano ito ng pagkakataon, kakausapin umano niya si Pacquiao at sasabihin na iwasan nitong isama sa mga debate ang mga bible verses.

Samantala, muling hiniling ng mambabatas sa mga kasamahan nito na pag-aralan nilang mabuti ang magiging epekto ng pagbabalik ng death penalty sa bansa bago nila ito aprubahan.